Search lyrics

Typing something do you want to search. Exam: Artist, Song, Album,Writer, Release Year...
if you want to find exactly, Please input keywords with double-quote or using multi keywords. Exam: "Keyword 1" "Keyword 2"

Ang Pagsintang Ito Lyrics - Singles - Equilibrio

Pawiin ang agam-agam sa iyong isipan. 

Hwag padala sa alon ng alinlangan. 

Habang may karagatan, maasahan mo 

ang pagsintang ito. 

 

Pahirin ang dalamhati sa iyong pisngi. 

Hwag patangay sa lumbay ng hating-gabi. 

Habang may bituin at buwan, hindi magbabago 

ang pagsintang ito. 

 

Marami nang taon ang lumipas. 

Ang aking pagsinta hindi kumukupas. 

Kasing tingkad pa rin ng dati 

malayo man ako sa iyong tabi. 

 

Hwag sanang mag-alala pa at mangamba. 

Hwag pasaklaw sa panglaw ng pag-iisa. 

Habang may sumisilang na araw, sa iyo 

ang pagsintang ito.