Search lyrics

Typing something do you want to search. Exam: Artist, Song, Album,Writer, Release Year...
if you want to find exactly, Please input keywords with double-quote or using multi keywords. Exam: "Keyword 1" "Keyword 2"

Sana'y Pagbigyan Lyrics - Singles - Juan Rhyme Brothers

Woh hooh woh.. Wohoo woh.. woh.. 

Nang masilayan ka, Sa harapan ng Eskwelahan 

Di ko lubos maakit mo, ako sa taglay mong kagandahan 

Para bang nasa langit na ako, Nang makilala na kita 

Laking tuwa sa.. akin mukha 

Binabalutan ng mga ngiti, ang araw na ito 

Dahil nasisilayan kita, 

Kung pwede nga lang sakin ka na lang, 

Lahat ay gagawin ko, Para lamang sayo 

Chorus: 

Naranasan mo na bang umibig sa, Isang babaeng napakaganda 

Unang kita ko pa lang sa kanya, Para bang ako'y nasa langit na sana, 

Sana'y makita kang muli, Sana'y masilayan ang mga ngiti, Sana'y bigyan ng pagkakataon, 

Maging tayo habang panahon 

Rap Verse 1: 

Nang ikaw ay unang beses masilayan di ko namalayan na para bang, Kay sarap mong pagmasdan 

Kaakit akit ang iyong kagandahan,Di ko mapigilan,Di ko maiwasan, Parang nananaginip nang aking matitigan 

Ang mga matang di mo pwedeng ikumpara, 

Parang sinasabi na halika tara na, 

Sumama ka sakin kasabay ng hangin,Parang nasa langit nang ngumiti ka sakin, 

At sa paglapit mo biglang binalot ng kaba, 

Parang kritikal na naghabol ng hininga nang biglang, 

Tinawag mo pangalan ng, Boyfriend mo bigla 'kong natauhan, 

Nasira ang lahat, Gumuho sa isang iglap ngunit masaya ako kahit sa isang sulyap 

Chorus: 

Naranasan mo na bang umibig sa, Isang babaeng napakaganda 

Unang kita ko pa lang sa kanya, Para bang ako'y nasa langit na sana, 

Sana'y makita kang muli, Sana'y masilayan ang mga ngiti, Sana'y bigyan ng pagkakataon, 

Maging tayo habang panahon 

Rap Verse 2: 

Ikaw ang inspirasyon na nagbigay ng tingkad, 

Ikaw ang ilaw at gasera na nagsisilbi na sinag 

upang magliwanag ang andar ng buhay kong 'to 

Ikaw ang dahilan kung bakit ba laging humihinto 

Ang mundo ko at oras sa tuwing ikaw ay gagalaw, 

Gusto ko man magtapat kaso kabado araw araw at laging nahihiya pagnatitigan sa mata, may sasabihin lang ako makinig ka sakin eto na.. 

At nang simula noon para bang di ka na nawala, 

Alam kong may iba ka na, Alam ko ring mahal mo sya 

Alam ko na mali ito pero bakit ganito, 

Oo inaamin ko in-love ako sayo 

Kaya sana'y makilala ka, upang iyong madama, 

Ang pagibig na alay ko lamang sa iyo sinta, 

Batid ko na hindi ito ang tamang panahon ngunit handa akong maghintay ng tamang pagakakataon 

Sana'y pagbigyan, Sana'y pagbigyan mo, 

Sana'y pagbigyan, ang pagibig kong ito 