Search lyrics

Typing something do you want to search. Exam: Artist, Song, Album,Writer, Release Year...
if you want to find exactly, Please input keywords with double-quote or using multi keywords. Exam: "Keyword 1" "Keyword 2"

Kabataan Para Sa Kinabukasan Lyrics - Singles - Magalona Francis

Kapag ang tao'y masipag, tumatatag ang buhay, 

nagsusumikap kahit mahirap, ialay 

Ang pawis sa kinabukasan, 

at nang tayong lahat ma-biyayaan, huwag kalilimutan 

At laging tandaan ang hagdang 

paitaas ang siyang laging tahakin 

Anuman ang iyong gawin, 

kahit yun at yun din, gawin mong magaling at sa 

puso'y manggaling 

Nasa palad mo ang kapalaran, 

kabataan para sa kinabukasan 

Oras ay ginto, gamitin ng mahusay, 

dahil and oras ay walang hinihintay 

Peace-Kapayapaan 

Nature-Kalikasan 

Children-Kabataan 

Kabataan, kalikasan para sa kinabukasan, 

iwasan ang pagkakamaling ating naranasan 

Oras nang magtubos, daig natin 'wag sayangin, 

'wag hayaang maubos 

Oras na para kumilos (Make a stand) 

Magkapit bisig para sa daigdig (Hand in hand) 

Mulat na kabataan ang sagot, 

'wag masasangkot sa ipinagbabawal na gamot 

Kundi'y gamitin ang talino, 

maging tunay na bayani, makabagong Pilipino 

Sulong kabataan, ipakita ang lakas, 

tunay at wagas na pag-asa ng bukas 

 

Nasa palad mo ang kapalaran 

kabataan para sa kinabukasan 

Oras ay ginto, gamitin ng mahusay, 

dahil and oras ay walang hinihintay