Search lyrics

Typing something do you want to search. Exam: Artist, Song, Album,Writer, Release Year...
if you want to find exactly, Please input keywords with double-quote or using multi keywords. Exam: "Keyword 1" "Keyword 2"

Singles


Artist: Repablikan
Total songs: 5
Year:

Bintana Lyrics - Singles - Repablikan

Sa pagpikit ko ng mga mata handa ng managinip 

Kasabay sa paglipad ng aking diwa ang pag-ihip 

Ng hangin patungo sa lugar na kung saan maari 

Kang hawakan at yakapin, 'kaw ang reyna, ako ang hari 

Ng kahariaan na sa pagdilat ko'y nawawala 

Pilitin mang pigilin 'to wala akong nagagawa 

Upang ang 'sang katulad mo na sa bintana sinisilip 

Makasama, makausap ng hindi na pinipilit 

Dahil sa alam ko na mundo natin magkaiba 

Sinusundo kana ng boyfriend mong ang kotse ay lima 

At nagiba ang mundo ko mula nang di sinasadya 

Magkabanggaan at nahulog kwintas mong pinasadya 

Pa at kabibigay pa lamang ng boyfriend mong mayaman 

Ngunit sa 'yong mata ay may lungkot na di malaman 

Na pilit tinatago ng iyong mga ngiti 

Sana hindi lang sa bintana makikita kang muli 

 

CHORUS: 

Hirap at sakit ay di alintana 

Masilayan ka lang dun sa bintana 

Lahat ay gagawin upang iyong malaman 

Ang pagibig ko'y tunay, walang alinlangan 

 

Tila yata kapalaran na ang sa 'kin tumutulong 

Nang hindi sinasadyang muli tayong magkasalubong 

At labis kong kinagulat ng ako ay kausapin 

Tila ang lahat ng tao'y nakatingin sa akin 

Tayo'y naging magkaibigan, sumbungan at sandalan 

Ngunit lahat pala ng mga bagay may hangganan 

Nang ikaw ay magpaalam na d'on na maninirahan 

Kung saan ang pagbalik mo ay malabo nang asahan 

Gusto man kitang pigilan, wala 'kong nagawa 

Tila ang lahat ng sa 'kin ay biglaang nawala 

At mula n'on sayo ay di na nagkaroon ng balita 

Sana'y muli kang makita kahit man lang sa bintana 

 

Mula nang nakilala ka 

Hindi kana naalis sa aking isipan 

Sana'y malaman mo ang tunay 

Na nadarama ng puso ko para sa 'yo... 

 

{Repeat chorus} 

 

Alam mo bang ikaw lang ang aking mahal 

Lahat ay gagawin upang iyong malaman 

Nang ikaw ay dumating sa buhay kong ito 

Muling umiikot ang aking mundo 

Sa puso kong ito ikaw ang kailangan 

Ang pagibig mo dahil minamahal kita... 

 

{RepeaT chorus} 

if (hasLyrics) { }