Search lyrics

Typing something do you want to search. Exam: Artist, Song, Album,Writer, Release Year...
if you want to find exactly, Please input keywords with double-quote or using multi keywords. Exam: "Keyword 1" "Keyword 2"

Ron Henley

Genres: Hip-Hop

Alaala Lyrics - Ron Henley

I. 

Tandang-tanda ko pang abot-langit ang saya 

Kapag kasama ka kaso lang wala ka na 

Kung minsan ako'y napapadaan 

Sa lugar na kung saan, una tayong nagkaunawaan 

Naaalala ko pa n'ung tayo'y Hayskul pa 

San man ako magpunta laging nandun ka 

Dun sa may tabing-ilog, ikaw lang at ako 

Namumulot ng bato, palayuan ng bato 

Nahuhulog na ako sa mga tingin mo 

Pag ako'y nagtatampo, agad nilalambing mo 

Anong gagawin ko? di ako mapalagay 

Laging ang mga kamay, sa bulsa nakalagay 

Isang gabi nagkainuman kasama ang barkada 

Basag nung nagtapat ng pag-ibig sa may kalsada 

Mahal kita, mahal mo sya, ngunit may mahal na syang iba 

Pwede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila 

 

Related 

 

26 Best Breakup Songs Of All Time 

 

Love Stinks, So Here Are 15 Anti-Valentine's Day Songs 

 

Watch Will Smith perform to iconic song 'Prince Ali' from Aladdin 

 

Pilit kong limutin ka pero parang di ko kaya 

Mga alaalang nagpapaalala 

Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama 

 

Pilit mang di isipin ka, talagang hindi ko kaya 

Mga alaalang nagpapaalala 

may masasayang sandali tayong dalawa magkasama 

 

II. 

Maghapon na nga tayong magkatabi sa klase 

kaso lang madami paring lalaking palihim dumiskarte 

Pulis, negosyante, alkalde, 

higante, maging estudyante nagiging galante 

Kahit palagi akong talunan, hindi pepwedeng walang rebanse 

Sinusundan kita kahit saan 

Sinisigurong may pusong nakalaan sa 

bawat parisukat na mukha mo ang laman 

Nung Umaga, Tanghali, Gabi, nagawa ko naman silang tambakan 

Ngunit pagsapit ng hatinggabi, sila'y nagwagi, isa ang lamang 

Lang naman nila sakin ay madami silang nagamit na hugot 

Di tulad ko wala lalo na pag tayo'y nasa ilalim ng kumot 

Dati-rati parang mga kalapati sa gabi 

Mga tuka'y nagkalapit, mga isip, makakati 

Kahit na 'di sila boto 

Siraan ka man ng mga chismosa't chismoso 

Habol ko parin ang matamis mong OO 

Mahal kita, Mahal mo sya, ngunit may mahal na syang iba 

Pwede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila 

 

Check Out 

 

Modern Love: The Best Top 40 Love Songs For Valentine's Day 

 

27 Best Ever Songs From Movie Soundtracks 

 

Who Will Perform At The 2019 Grammy Awards? 

 

The Best Karaoke Songs Ever, Ranked 

 

Pilit kong limutin ka pero parang di ko kaya 

Mga alaalang nagpapaalala 

Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama 

 

Pilit mang di isipin ka, talagang hindi ko kaya 

Mga alaalang nagpapaalala 

may masasayang sandali tayong dalawa magkasama 

 

III. 

Di ko mapigilang mainggit 

Sa tuwing makakakita ng magkasintahang magkayakap ng mahigpit 

Kaya naman naghahanap rin ng kalambingan 

Pero sa aking isipan, ikaw ang kahalikan 

Hinahanap-hanap ko ang mga yakap mo 

Tanging larawan mo lamang ang hawak ko 

Sana pangalan ko ang sunod na matawag mo 

Handang dumaong sayong tabing-dagat ang sinasakyang barko 

Matarik man ang bundok, mabato man ang sapa 

Mababaw man ang luha mo hindi ko na hahayaan yang maglawa 

Puyat ako ilang gabi na 

Di ko makayanan kasi nakasanayang katabi ka 

Mapanlinlang ang damdamin 

Binubulag muna tayo bago makita ang barahang ibinababa natin 

Kaya kung sasabihin mong kalimutan na kita 

Parang sinabi mo narin saking wag nakong huminga kahit... 

 

Pilit kong limutin ka pero parang di ko kaya 

Mga alaalang nagpapaalala 

Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama 

 

Pilit mang di isipin ka, talagang hindi ko kaya 

Mga alaalang nagpapaalala 

may masasayang sandali tayong dalawa magkasama 

Copyright: Song Discussions Is Protected By U.s. Patent 9401941. Other Patents Pending.