Search lyrics

Typing something do you want to search. Exam: Artist, Song, Album,Writer, Release Year...
if you want to find exactly, Please input keywords with double-quote or using multi keywords. Exam: "Keyword 1" "Keyword 2"

Singles


Artist: Xo Icy
Total songs: 2
Year:

List songs in album

  1. Mahal Na Mahal
  2. Hey Girl

Mahal Na Mahal Lyrics - Singles - Xo Icy

MAHAL NA MAHAL 

By: Xo Icy 

From the album: We Are Tha Movement 

 

Mahal na mahal, mahal na mahal kita aahh!! 

 

[CHORUS]: 

Mahal na mahal kita, sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta. Para sayo, ang pag ibig ko. wag mo sanang kalimutan, nandito lang ako, para sayo!!. 

 

G'RHYME: 

 

nung ikaw ay makilala ko di ko alam ang nadama 

biglang tumibok ang puso na parang my kaba, 

hindi ko rin alam kung pano sasabihin kung ano, 

ang nakita ko sayo parang pinana mo ang puso. 

 

at hindi rin mapigilan ang pag iisip sayo, 

mapa araw o gabi hindi na ko mapakale. 

ikaw ay nasa panaginip magkahawak ang kamay, 

yayakapin ka ng mahigpit hindi maghihiwalay 

 

habang iniisip ang pagkakataong ito na kasama 

ang aking mahal dito sa tabi ko at wala ng 

magbabago satin kahit tumagal ang taon at 

panahon mananatili kang sa akin at ako'y sa iyo 

 

iyan ang iyong tatandaan sinisisgaw ng puso ko 

na tayo'y magpakailanman. 

magsasama sa buhay sa ginhawa o sa hirap, 

ang lahat ay gagawin upang matupad ating pangarap!! 

 

[CHORUS]: 

Mahal na mahal kita, sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta. Para sayo, ang pag ibig ko. wag mo sanang kalimutan, nandito lang ako, para sayo!!. 

 

GENOCIDE: 

 

Ang pagmamahal ko sayo, kailan may hindi to masusukat, 

eto ang liham ko sayo at sana mabasa ang aking sulat, 

isa man ang pahina, sagad naman at nag-aalab, 

walong rima ng pagibig na mula sa puso ko kinalap, 

 

eto ang mga sumusunod na nadarama kapag andyan ka, 

ang makita ka buo na araw ko at masaya na, sa tuwing 

tayong dalawa ay magkikita't mag kasama ako'y 

kontento na kahit di na umalis at mag gala pa. 

 

ngayon, ipagtatapat sayo hindi ko kayang mawala ka 

dahil sayo lang binuo ang mundo ko maniwala ka sana. 

tanging hinangad ay mahalin ka pagsilbihan at mahagkan ka 

yan lang ang gustong gawin hanggang ako ay mawala na. 

 

halika sa akin at sumama, damahin ang luha ko pag wala ka, 

wag na wag mong lilisanin, dahil hindi ko ito makakaya. 

isa nalang bago tapusin, tumabi ka sakin may sasabihin 

Girl, mahal na mahal kita, yan ang sigaw nitong damdamin!! 

 

[CHORUS]: 

Mahal na mahal kita, sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta. Para sayo, ang pag ibig ko. wag mo sanang kalimutan, nandito lang ako, para sayo!!. 

 

JAYMAN: 

 

Paulit-ulit kong sasabihin na mahal kita, 

at makikita mo ito saking mga mata 

ikaw lang ang mahalaga para sa akin 

dahil ang katulad mong pumukaw saking damdamin. 

 

di ko akalain na mamahalin mo din ako, 

dahil alam ko na hindi tayo pareho, 

simpleng tao lang ako na nagmamahal sayo, 

at umaasa na hindi maglaho ang pag ibig mo. 

 

mahal kita, alam mo yan at walang iba. 

dito sa puso ko ikaw lang ang nakadikta. 

wala na sanang magbago sating dalawa, 

at pinapangako ko ikaw lamang sinta. 

 

pagmamahalan natin na walang katapusan, 

umasa ka sa akin, hindi kita pababayaan 

puso ko, pagibig ko, sa iyo ilalaan. 

gagawin ko ang lahat para ito'y panindigan. 

 

[BRIDGE]: 

 

ikaw lang ang aking mamahalin, pangako ko lagi kong sasambitin, 

ang pangalan mo na nakaukit sa damdamin ko, kailan may hindi 

mawawala ang pag mamahal sayo!!. 

 

[CHORUS]: 

Mahal na mahal kita, sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta. Para sayo, ang pag ibig ko. wag mo sanang kalimutan, nandito lang ako, para sayo!!. 

 

CLOSING: 

 

Mahal na mahal na mahal kita, mahal na mahal kita 

Para sayoooohhh ohhhoohhh!! 

MAHAL NA MAHAL KITA!!!!